Official lyrics · Tagalog / English

Vengeance Man

Reading layers
Back to song
01

Intro

May batas daw...

May hustisya raw...

Ang daming nagbubulag-bulagan

Sa sistemang puno ng sabwatan!

Kung hustisya'y kasinungalingan—

Nandito lang si...

Vengeance Man!

02

Verse 1

Sampung taon, wala pang hustisya

Pamilya'y ubos na sa pag-asa

Kaso'y paikot-ikot sa mesa

Hanggang reklamo'y maging alaala

Mga salarin, pinatawad ng mala-santo

Kapalit ng drama't papuri ng mga gago!

May saltik daw ang salarin

Kaya raw dapat intindihin

“Magpatawad, matutong kalimutin”

“Tao lamang, makasalanan ka rin”

Habang salarin ay muling papalayain

Mga ginawa nila'y dapat kalimutin

03

Pre-Chorus

Maging masunuring mamamayan?

Magbayad ng buwis tayo'y magtulungan?

Pondohan ang latak ng lipunan

Bigyan sila ng magandang kinabukasan?

Kung hustisya'y para sa demonyo—

Nandito na ang avenger n'yo!

04

Chorus

Ako si Vengeance Man!

Walang awa sa makasalanan!

Ako si Vengeance Man!

Wala nang dapat pag-usapan!

Biktimang tinapon sa hukay

I-iyak na lang ba habambuhay?

Sa mga tinakwil ng batas!

Hindi pa ba kayo nababanas?

Sa mundong wala nang katarungan,

Ang hustisya lang ay si...

VENGEANCE MAN!!!

05

Verse 2

Labas-pasok sa kulungan

Paulit-ulit pinakawalan

Higit sampung ulit pinagbigyan

Bawat labas, sampung nawalan!

Sa dilim umiikot ang operasyon

Sistemang hawak ng organisasyon

May tauhan sa bawat posisyon

Lahat sunod sa iisang direksiyon

“Habang buhay may pag-asa”

'Yan ang kanilang propaganda

Eh paano ang inosenteng wala na?

Nasaan ang pag-asa nila?

06

Chorus

Ako si Vengeance Man!

Walang awa sa makasalanan!

Ako si Vengeance Man!

Wala nang dapat pag-usapan!

Biktimang tinapon sa hukay!

I-iyak na lang ba habambuhay?

Sa mga tinakwil ng batas!

Hindi pa ba kayo nababanas?

Sa mundong wala nang katarungan,

Ang hustisya lang ay si...

VENGEANCE MAN!!!

Words & musicSai Yujin

Author and co-composer · Human-directed music and visual production

Published byMorville Studios

Official lyric master · All rights reserved

Rights & licensing