官方歌詞 · 他加祿語 / 英文

Pasensya Na

I’m Sorry
閱讀顯示
返回歌曲
01

主歌一

Pasensya na

Kung may nasabi akong mali

Minsan dala ng galit

Sa balitang sadyang puro mali

Isang buhay lang ito

Bawat araw ay naglalaho

Bakit tayo nag-aaway

Sa udyok ng manggugulo?

02

前副歌

Napapaniwala nila tayo

Sa peke nilang layunin

Nagkakagulo ang magkakapatid

Habang tumatakas ang salarin

03

副歌

Pasensya na

Pasensya na

Kung tayo ang napasama

Pasensya na

Pasensya na

Tara, isang panig na lang

Kung iisa rin ang hangad mo

Isang bansa para sa ating lahat

04

主歌二

Magulang at anak

Di na nag-uusap nang tahimik

Magkaibigan noong bata

Ngayon, panlalait ang kapalit

Para sa mga di natin kilala

Para sa mga walang pakialam

Bakit tayo ang nag-aabala

Habang sila’y nagtatawanan?

05

前副歌

Napapaniwala nila tayo

Sa peke nilang layunin

Nagkakagulo ang magkakapatid

Habang tumatakas ang salarin

06

副歌

Pasensya na

Pasensya na

Kung tayo ang napasama

Pasensya na

Pasensya na

Tara, isang panig na lang

Kung iisa rin ang hangad mo

Isang bansa para sa ating lahat

07

橋段

Kung may sugat man ang salita ko

Handa akong itama

Kung patuloy ang hiwalayan

Bansa lang ang kawawa

Hindi tayo magkalaban

May nais tayo sa bayan

Kung pagbabago ang hanap mo

Halika, daanin sa usapan

08

最後副歌

Pasensya na

Pasensya na

Kung tayo ang napasama

Pasensya na

Pasensya na

Tara, isang panig na lang

Kung iisa rin ang hangad mo

Isang bansa para sa ating lahat

Pasensya na

Pasensya na

Magkaisa tayo ngayon